Nang oras na ‘yon, basta gising si Tammy, iisipin niya ang pangyayari bago ang araw ng insidente.
Ang huling pisi ng katinuan niya ay sinasabing hindi niya kasalanan ito. Hindi niya kayang kunin ang sarili niyang buhay, kung hindi, ano ang mangyayari sa mga magulang niya? Isa siyang prinsesa na pinanganak na mayaman. Hindi siya kailan man naapi. Hindi dahil sa maswerte siya, kundi dahil ginawan siya ng magulang niya ng sarili niyang kaharian.
Tatanda rin ang mga magulang niya. Kailangan niya