“Ang sarap talaga. Hindi masyadong matamis, kaya makakakuha pa ako ng madami,” puri ni Avery tapos ay sumubo pa ng isa. “Mas lalo kang gumagaling kada araw, Shea. Ano pang gusto mong matutuhan?”
“Gusto kong matuto mag-drive, pero ayaw ako payagan ni Big Brother.” Kumunot ang noo ni Shea tapos ay nagmakaawa, Pwede mo ba ako tulungang pilitin si Big Brother, Avery?”
Umangat ang tingin ni Avery at bumaling kay Wesley.
“Ito ba ang dahilan kung bakit pumunta kayong dalawa rito?”
Umiling si Wesley