Eh sabi mo wag akong magsalita diba?”
“Yun ba ang ibig kong sabihin?”
“Oo.”
“Parang gusto mo lang ata makipag away sakin no?” Sinipa ni Avery si Elliot. “Wag ka ngang dumikit sa akin.”
“Malalaglag na ako.”
Bumangon si Avery para kapain kung gaano pa kalaki ang space sa likod ni Elliot.
Pero bigla siyang hinila nito at sinabi, “Ibibigay ko ang lahat ng gusto mo, Avery. Ano pa? Sabihin mo sa akin…”
“Wala na akong ibang gusto.” Sinubukan niyang pumiglas, pero ayaw siyang bitawan ni Elliot.