Naglakad palabas si Avery. Wala siyang intensyon na makipag away sa kung kanino at gusto niya lang talagang turuan ng leksyon si Nora.
Pero pagkalampas niya kay Elliot, biglang hinila nito ang braso niya.
“Anong ginagawa mo?” Tinignan ng masama ni Avery si Elliot.
Hindi sumagot si Elliot at hinila si Avery palabas ng office.
Gusto rin sanang sumunod ni Chelsea pero pinigilan siya ni Chad. “Chelsea, puntahan mo na si Nora. Iyak siya ng iyak.”
“Nasaan siya?” Nanggigil na sagot ni Chelsea.