Anong kailangan sakanya ni Avery Tate?
Base sa pagkakunot ng noo nito, mukhang may iba itong pakay sakanya…
“Ryan.” Naglabas si Avery ng isang tumpok ng pera at isang bote. “Kapag sinagot mo ng maayos ang mga tanong ko, sayo na yang perang yan. Pero kung hindi ka makikisama, patatahimikin ka ng gamot na yan habang buhay.”
Biglang pinagpawisan ng malamig si Ryan at nanginginig ang kanyang daliri nang ituro ang itim na bote. “A-a-nong laman niyan?”
“Lason. Pag inom mo niyan, mamatay ka kaagad