Hindi naman talaga siya ang gumawa nun, at kung tutuusin nga ay siya pa ang biktima dito, pero wala siyang magawa kundi tanggapin ang magiging tingin sakanya ng publiko.
Tinawagan ni Avery si Tammy.
“Avery, bakit napaaga ata yung uwi mo?” Medyo naguguluhang tanong ni Tammy. “Kung ako sayo, hindi na muna ako uuwi sa Bridgedale. Hindi dahil sa natatakot ako, pero dahil nakakadiri lang talaga ang mga tao dito sa Aryadale.”
“Hindi naman masosolusyunan ng pagtakbo ang problema ko. Kinita ko sila