Pagkatapos ng tawag, tumingin si Chad kay Elliot.
“Mr. Foster, tinawagan ako ni Mike. Ininvite niya lang akong kumain sa isang hotel.” Natigilan si Chad at medyo nag alangan pa siya noong una, “Gusto mong sumama?”
Umirap si Elliot. “Hindi nila ako ininvite, bakit naman ako sasama?”
Nahihiyang ngumiti si Chad. “Nabalitaan ko na sinusubukan ka raw na tawagan ni Avery kanina pero hindi ka sumagot. Bakit kaya hindi kayo mag kita para mag usap nalang kayo sa personal? Wag kang maniwala sa ngiti