Inubos kaagad nila Avery at Tammy ang mga pagkain nila dahil wala silang balak na magtagal pa doon. “Avery, tara! Gusto mo bang mag shopping? Sasamahan kita.”
Umiling si Avery. “Sobrang nabusog ako kaya medyo inaantok ako.”
“Ihahatid nalang kita sa inyo.” Kinuha ni Tammy ang kanyang bag at umikot siya para alalayang tumayo si Avery.
Dahil dun, hindi napigilan ni Avery na matawa. “Ano ka ba! Hindi mo naman ako kailangang alalayan. Kaya kong maglakad mag isa.”
“Gusto lang naman kitang alalaya