Hindi inaasahan ni Chelsea na hanggang kahuli-hulihan ay ipagtatanggol pa rin ni Elliot si Avery. Pakiramdam niya ay sobrang napahiya siya kaya bigla siyang umiyak sa harapan ni Elliot.
Nagmamadali namang pumasok si Chad para hilain palabas si Avery.
“Hindi ko alam kung bakit biglang sumulpot si Chelsea. Ihahatid na kita sa baba.” Nahihiyang paliwanag ni Chad.
“Okay lang.” Hinawi ni Avery ang kamay ni Chad at naglakad siya papunta sa elevator.
Nabigla lang talaga siya. Sinadya niya si Ell