Biglang humigpit ang hawak ni Elliot sakanyang phone.
Mula sa pagiging mag ex, ngayon ay mayroon na silang utang sa isa’t-isa. Nakakatawa man pero at least kahit papaano ay may koneksyon pa rin sila.
Hindi nagreply si Elliot. Ano naman kung hindi siya pumayag? Hindi rin naman makikinig sakanya si Avery.
Pagkalipas ng fifteen minutes, muling tumunog ang kanyang phone. Nang tignan niya ang screen, galing ito sa banko.
Nagpadala si Avery sa personal account niya ng 155 million. May kasama rin