Medyo lihis ang sagot ni Avery, pero sobrang naiintindihan ni Elliot kung anong gusto nitong iparating.
Para bang sinasabi nito na wag na siyang mag abala pang alamin ang anumang tungkol kina Hayden at Layla, at kahit pa gaano kalakas ang kutob niya na anak niya si Hayden, hindi yun totoo dahil ang tanging anak niya lang ay angt ang dinadala nito ngayon!
Kung ang dating Elliot ang pagbabasehan, malamang ay pumutok na ito ngayon sa galit sa naging sagot ni Avery pero ginagawa niya ang lahat