Pagkalipas ng halos kalahating oras, nakauwi si Avery.
Nagmamadali siyang bumaba ng kotse at dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay at lumapit kay Elliot. Sa sobrang pagpapanic niya, hindi na siya nakapag palit sa kanyang tsinelas.
“Nasaan si Hayden? Bakit mag isa ka lang?”
Sasagot pa lang sana si Elliot nang biglang manlaki ang mga mata ni Avery noong nakita ang damit ni Elliot.
“Anong nangyari sa damit mo?”
Sobrang gusot ng damit ni Elliot at sa likod nito ay may parte pa na napun