Tumungo si Shea at sumagot, “Itatago ko ‘to sa kwarto ko. Hindi ko ‘to mawawala.”
“Good. Nag dinner ka na ba?” Nakangiting tanong ni Elliot.
“Tapos na! Sabay kaming kumain ni Hayden sa hotel.”
“Napansin ko na parang gustong gusto mo si Hayden.” Naalala niya na nakipagpalit si Shea kanina ng upuan kay Mike para makatabi nito si Hayden.
Hindi niya yun inaasahan kasi sa tuwing lumalabas sila, ayaw na ayaw nitong umaalis sa tabi niya.
“Gusto ko si Hayden at Layla.” Sagot ni Shea.
Malakas an