Tuloy-tuloy lang ang itim na Rolls-Roice hanggang sa makalabas sila ng siyudad. Habang tumatagal, paunti ng paunti ang mga sasakyang nakakasabay at nakakasalubong nila.
Nakapikit ang mga mata ni Avery habang nakaupo sa back seat.
Hindi na niya nabilang kung ilang oras silang nasa kalsada pero matapos ang isang napaka habang byahe, sa wakas ay tumigil na rin ang sasakyan. Dumilat siya at tinignan ang paligid. Wala siyang ibang makita kundi mga puno at sigurado siya na ngayon lang siya nakapun