Nang makita niya kung gaano ito kasaya sa picture, biglang may kumirot sa puso niya. Ang tagal na rin noong huling beses itong numiti sakanya. Mahigit kumulang limang taon na ang nakakalipas.
Sa wedding dress shop, isinoli ni Avery ang wedding dress na sinukat niya at bumili ng isang kulay light purple na dress na gagamitin niya para sa kasal ni Tammy.
“Malapit na akong mag thirty at hindi na ako makakasuot ng mga ganitong klaseng dress kaya hanggat pwede pa, mga ganitong dress na ang bibilh