Kinuha ni Chad ang pangsipit para kumuha ng barbeque at binusalsal sa bibig ni Mike nang hindi ito makapagsalita. Pagkatapos ay lumapit siya kina Tammy at Jun para tulungan ang mga ito na buhatin ang mga bote.
“Uy, mamahalin ‘tong mga ‘to ah! Wag mong sabihin na ninakaw mo ‘to sa tatay mo?”
“Anong sinasabi mong ninakaw? Paano naman naging pagnanakaw yun kung doon naman ako nakatira?” Isa-isang binuksan ni Jun ang mga bote.
Nagdala si Chad ng isang bote para kay Mike at nilagyan niya rin ang