Sa Starry River, nag ring ang phone ni Avery saktong paglabas niya mula sa shower.
Dali-dali niya itong sinagot.
“Wesley.”
“Bakit buong umaga na naka’off ang phone mo, Avery?”
Ilang beses na sinubukan ni Wesley na tawagan si Avery pero hindi niya ito macontact.
“Sorry. Na deadbatt ako. Kakacharge ko lang. Tinatawagan mo ba ako dahil kay Eric?”
“Oo… Nag’aalala kasi siya na baka daw galit ka.
“Hindi ako galit. Ako nga ang nag’aalala na baka maging sakit niya ‘to sa ulo eh. Tatawagan ko s