“Pinapasabi ni Elliot na icancel na ang engagement kasi hindi daw siya pupunta.” Natatarantang sabi ni Henry, sabay hawak sa kamay ng kanyang nanay.
Hindi maintindihan ni Rosalie kung anong nangyayari.
“Bakit? May nangyari ba?”
Umiling si Henry. “Hindi ko rin alam, mommy. Pagkatapos niyang magsalita, binaba niya kaagad. Sa tingin ko may nangyari! Sandali, tatawagin ko ang driver para maihatid ka na muna sa mansyon. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa mga bisita.”
Sobrang nakakahiya!
Pero w