“Ano gising ka na?” Pang’asar na tanong ni Elliot.
Sumandal si Avery at minasahe ang ulo niya. “Oo kasi ginising mo ako. Bakit ka ba tumawag?”
“Nakita ko na umalis ka ng alas diyes imedya kagabi, Avery. Saan ka pumunta?” Walang paligoy-ligoy na tanong ni Elliot.
Sinipa ni Avery si Mike, na nakaupo sa tabi niya at tinignan niya ito para senyasan bago niya sagutin ang tanong ni Elliot.
“Nag’inom si Mike kagabi. Tinawagan ako ng bar para sunduin siya. Lasing na lasing siya kagabi at natatakot