Nagmamadaling tumakbo sina Layla at Hayden papunta sa pintuan at nang tignan nila ang screen ng door security system, isang sobrang pamilyar na mukha ang nakita nila.
“Mommy! Yung walang kwenta naming Tatay nandito!” Nagpapanic na sigaw ni Layla habang tumatakbo papunta sa mommy niya.
Nagmamadaling tinanggal ni Avery ang kanyang apron at binuhat si Layla.
“Wag kang matakot, sweetie. Sige na pumasok na muna kayo ng kapatid mo sa kwarto niyo.” Malambing na sabi ni Avery, sabay tingin kay Hay