Hindi namalayan ni Avery na napatulala na siya sa picture. Bakit ba sobrang apektado pa rin siya pagdating kay Elliot.
Oo nasasaktan siya pero may balak ba siyang batiin ito? Wala.
“Hoy Avery, ano bang iniisip mo jan? Inaaway ako ng mga anak mo oh! Tulungan mo kaya ako!” Lumapit si Mike kay Avery para hinalin ito at saka siya nagtago sa likuran nito.
Dahil dun, biglang nahimasmasan si Avery.
“Hayden, diba sabi mo gusto mong lumipat ng school. Ano ng desisyon mo?”
Sobrang biglaan ng tanong