Kabanata 2890
Pagkatapos niyang magpalit, bumalik siya kaagad sa event hall. Wala na doon si Hayden at ang karamihan sa mga bisita.

Pinilit ni Shelly na kumalma para walang makahalata sakanya.

"Eric, hindi ka ba talaga pagod?" tanong ni Layla kay Eric.

Gusto niyang magpahinga ito dahil maaga silang nagising ng umagang iyon. Dahil pinalipat na nina Elliot at Hayden ang karamihan sa mga bisita sa ibang hall, sa wakas ay nakapag pahinga rin ang bagong kasal.

Umiling si Eric. "Hindi ako pagod. Pwede ka magpahinga kung pagod ka na."

"Hindi rin ako pagod! Excited lang talaga ako na kasal na tayo." Nakangiting sagot ni Layla "Ngayon lang nag sink in talaga sa akin na mag asawa na tayo. Iba pala talaga ang pakiramdam na nakasuot ako ng wedding gown at yung lahat ng mga ginawa natin kumpara noong kumuha lang tayo ng marriage certificate."

"Gusto mo bang magpalit muna ng sapatos, kahit yun nalang muna?” Tanong ni Eric.

"Sige."

Pinagmasdan ni Shelly sina Eric at Layla habang naglalakad palabas ng hall.
Sigue leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la APP
Explora y lee buenas novelas sin costo
Miles de novelas gratis en BueNovela. ¡Descarga y lee en cualquier momento!
Lee libros gratis en la app
Escanea el código para leer en la APP