"Tama! Sobrngang yaman niya pero kagaya ng tatay niya, gusto niyang low profile lang siya palagi.” sabi ng isa pang bisita habang kinukuha ang gold bar mula sa gift bag.
Nanlaki ang mga mata ni Shelly nang makita ang gold bar at naisip, "Grabe! ganito ba talaga ang mga give away ng mga mayaman?! Kotse at gold bars talaga?!"
Bigla niyang naisip kung gaano kahirap ang buhay nila lalo na noong nagkasakit ang nanay niya, kaya bigla siyang nalungkot.
"Ano kayang klase ng babae ang gusto niya! Tin