Nagpatuloy si Avery sa pagbabasa ng magazine, na para bang wala siyang naririnig, hanggang sa may biglang umagaw nito sakanya.
“Okay ka lang ba dito?” Hinila ni Tammy si Avery at naiinis na nagpatuloy, “Haay… pag minamalas nga naman! Dito pa tayo nakakita ng pangit.”
Sinadya ni Tammy na lakasan ang boses niya para marinig ni Zoe.
“Ano ka ba, mall ‘to kaya kahit sino pwedeng pumasok.” Sgaot ni Avery.
“Kaya nga hindi na tayo babalik dito kahit kailan! Tara, umalis na nga tayo.” Hinila ni Tammy