“Mas maganda siguro kung wag ka na munang pumunta. Sa pagkakaalam ko nandoon din si Shea, baka magkagulo lang.” Nag’aalalang sabi ni Tammy. “Ano bang nangyari kay Elliot? Sabi ni Jun, hindi naman daw tungkol sa trabaho. Hindi ba tungkol sa inyo yun?”
Umupo si Avery at huminga ng malalim, “Masyado mo naman ata akong na overestimate, Tammy. Ni hindi nga siya umiyak noong nag divorce kami kaya sa tingin ko hindi naman ako ganun ka importante sakanya.”
“Eh anong nangyari? Mas lalo naman siguro