Sinagot ni phone ang tawag. “Hello.”
“Ako ‘to.”
Sinilip ni Chad ang pangalan ng tumatawag sakanyang screen at walang emosyong sumagot, “Anong kailangan mo?”
“Aba. Ayus-ayusin mo ang tono ng pananalita mo o baka naman hindi niyo na kailangan ang drone namin?” Panakot ni Mike.
“Tinatakot mo ba ako? Wala namang may gusto ng drone!” Pasinghal na sagot ni Chad.
Ilang segundo ring natigilan si Mike bago siya muling sumagot, “Sino pa ba? Syempre yung magaling mong boss! Nakareceive kamu ng ord