Ayaw sanang tanggihan ni Mrs. Cooper, pero kailangan, “Ah.. Shea, ang sabi kasi ng doktor, kailangan mo daw magpahinga ng kalahating buwan. Wala pa ngang isang linggo kang naooperahan eh. Kpaag naglaro tayo sa labas, magagalit si Master Elliot sa akin.”
Nagtatakang tinignan ni Shea si Mrs. Cooper. “Sinong Master Elliot.”
“Elliot Foster,” Natigilan ng ilang segundo si Mrs. Cooper bago siya nagpatuloy, “Ano bang tawag mo sakanya?”
Hindi sumagot si Shea at pagkalipas ng ilang sandali, ti