Napapikit nalang si Avery. Akala niya kapag nag divorce sila ay hindi na siya masasaktan kapag nagkaroon ng ibang karelasyon si Elliot, pero… bakit nasasaktan siya? Siguro hindi niya lang maintindihan kung anong plano ni Elliot. ‘Akala ko ba mahal na mahal niya si Shea? Eh bakit hindi nalang siya kay Shea mag focus?’
Huminga siya ng malalim at naisip niya na siguro ganung klase talaga ng lalaki si Elliot. Walang pakielam sa nararamdaman ng mga karelasyon nito at kung siya ang tatanungin, hindi