“At bakit naman hihiramin ng batang yun ang phone mo?” Tanong ni Elliot.
“Nawawala daw kasi ang tatay niya kaya hiniram niya ang phone ko para matawagan. Mula noong makita ko yung batang yun, puro kamalasan nalang ang nangyari sakin! Pakiramdam ko kinulam niya ako!” Sobrang namamaga ang buong pisngi ni Cole at hindi maawat ang luha niya sa pag agos.
Base sa titig ni Elliot, para bang sobrang nabobobohan siya kay Cole. “Naalala mo pa ang itsura niya?”
Nagmamadaling sumagot si Cole, “Oo