Nakatanggap ng tawag si Avery kay Fred ng alas dos ng hapon.
"Gusto nilang makipagkita sa atin para pag usapan ang pagbili ng property, Avery. Anong oras ka pwede? Meron ka na bang nakahandang proof of assets? Nagkakahalaga ng walong milyong dolyar ang building sa kasalukuyan."
Nabigla si Avery sa mga sinabi ni Fred.
"Hindi ba’t sa kalahating halaga lang niyon ibinenta ang Tate Tower noon?"
"Oo nga, pero maganda ang lokasyon ng property. Dahil sa pagtaas ng presyo ng mga property sa mga nakaraan