"Avery, mag grocery muna ako. Magpahinga ka kung pagod ka," sabi ni Laura.
Binuksan ni Avery ang kanilang mga maleta at isa-isang nilabas ang mga gamit.
"Mag ingat ka ma. Hindi ako pagod, kaya isasalansan ko na ang mga gamit natin."
"Sige, aalis na ako."
Nang wala na si Laura, biglang tumahimik ang bahay.
Natapos si Avery sa pagsasalansan, saka siya umakyat upang tingnan ang mga anak.
Natutulog pa rin si Layla habang si Hayden ay nakahiga sa tabi nito at nakapikit.
Nang umalis si Avery sa kwarto