Naisip niyang mali lang ang narinig niya. Ang sabi niya ay kukuhanin niya lahat ng nawala sa kanya; hindi kaya ang Sterling group ang tinutukoy niya?
“Kung iyon ang kaso, Elliot, linawin natin ang mga bagay tungkol satin ngayong gabi!” Hinatak niya uli ang braso nito. “Kailangan kitang makausap ng tayo lang dahil pribadong usapan ito!”
At dahil don, hinatak niya ito papalayo sa maraming tao.
Huminto ang dalawa sa likod ng bakuran at tinignan siya ni Avery ng may namumugtong mga mata, bago ma