Tumambay si Avery sa library ng Avonsville University matapos nitong mag dinner sa loob ng campus.
Seryoso siyang nagbabasa nang bigla siyang matigilan dahil sa narinig niyang nag’uusap.
“Nag’ssnow! Ito ang first snow ngayong taon, diba?! Tignan mo, palakas ng palakas! Tara maglaro tayo sa labas!”
“Sige sige! Gusto ko ring mag picture!”
…
Halos kalahati ng mga estudyante sa loob ng library ang lumabas.
Sa kabilang banda, naglakad si Avery papunta sa bintana para tignan ang pagb