Pinagpag ni Charlie ang nagusot na parte ng kanyang damit at galit na galit na sumigaw pabalik, “Bodyguard niya ba ako, Chelsea?! Wala akong tungkulin na bantayan siya! Bakit sa akin mo siya hinahanap?! Kung gusto mo, ikaw ang maghanap sakanya!”
Biglang sinuntok ni Chelsea sa dibdib si Charlie at umiiyak na nagpatuloy, “Hindi ko siya matawagan at hindi ko siya mahanap! Hindi rin alam ng bodyguard niya kung nasaan siya! Wag ka ng magpanggap! Alam ko na sidya mong mag install ng signal blocker