Pagkatapos nilang mananghalian, bumalik si Lucian na may dalang mga gamit na binili niya. Tumingin siya sa nakabukas na box ng pagkain at hindi mapigilan ni Lucian ang mapangiti habang sinabing, "Nag-enjoy ba kayo sa inyong tanghalian?"
"Ah, nakabalik ka na pala, uncle Grubb! Kukuha ako ng lunch para sayo,” sagot ni Aiden nang makatayo na siya.
“Kumain na ako. Tingnan niyo ang magagandang bargain na nakuha ko. Kung binili ko ang mga ito sa ibang lugar, malamang doble ang presyo nito!" sabi n