Pagkabalik sa opisina, hindi pinansin ni Arianne ang kumakalam niyang sikmura.
Bumabagabag sa isip niya ang mukha ni Helen Cameran. Hindi niya inakala na magpapakita sa ganoong paraan ang kanyang ina.
Hindi niya alam kung nagagalit o nadudugyutan siya sa pagkakataon na iyon. Iba't-ibang emosyon ang gumugulo sa puso niya.
Ilang taon na ang lumipas kaya nagbago na ang itsura ni Arianne. Hindi siya namukhaan agad ni Helen Cameran. Gayunpaman, agad niyang nakilala ang kanyang ina! Nakaukit sa isi