Kinabukasan, dumiretso na sa trabaho si Arianne at hindi na siya kumain ng breakfast. Tambak ang mga documents na nakalagay sa kanyang table.
"Kanino 'to?"
May bumulong sa gilid niya, "Si Mr. Donn yung nag-assign niyan sayo. Ginalit mo ba siya? Halos lahat ng gawain ibinigay niya sayo. Malamang mag-overtime ka ngayong araw…"
Walang sinabi si Arianne at umupo na lamang siya, alam niya na ito ang kanyang parusa dahil sa pagtanggi niya at napahiya sa kanya si Simon Donn.
Tanghali na at may na