Ang Ping’an Tie na ginawa ni Darryl ay kamukhang kamukha ang nasa pader, kahit anong angulo pa ito tingnan! Ang ginawa niya nga ay mas maganda kaysa sa nakasabit sa pader!
Siya ba talaga ang nagsulat nung nasa pader?
Paano magagawa ng isang tulad niya ang ganoon kagandang calligraphy?
“Ikaw…” matapos ang ilang sandali, bumalik na sa ulirat si Max. Tagaktak ang pawis niya, sabi niya kay Darryl, “Kaibigan, saan kang galing na pamilya? Bakit ka pumunta sa exhibition ko ngayong araw?”
‘Ang taong