“Oo nga, humingi ka nang tawad kay Pinunong Max ngayon na!”
“Humingi ka nang tawad!”
Sa mahigpit na pangangaral ng mga tao. Dahan-dahang lumingon si Darryl kay Max. “Humingi nang tawad? Bakit ako hihingi nang tawad? Oo, prangka ako pero hindi ako nagsisinungaling. Peke ‘yang Ping’an Tie na ‘yan. Bakit ako hihingi nang tawad?”
Nagsigawan ang mga tao.
Nababaliw na ang lalaking ‘yon! Bakit ganoon siya kasama kay Pinunong Max?
Nag-aalala na rin si Debra. Alam niyang matigas ang ulo ni Darryl.