Pero walang kaideideya si Master Skry na nililinlang lang siya ni Yusof.
“Taoist Master!” Masyadong tuso si Yusof. Hindi siya agad na sumangayon sa gusto ni Master Skry at sa halip ay nagkunwari pa siyang nagugulat. “Ma…makikipaglaban po ba kayo sa kaniya? Masyado po siyang malakas. Kaya ikinatatakot ko pong…”
Tataas ang suspisyon ni Master Skry sa sandaling sumangayon agad siya sa kagustuhan nito kaya napagdesisyunan niyang kontrahin ang kaniyang sarili para maalis ang anumang pagtataka sa is