Nang magsalita si Bosco, mukha siyang puno ng pagmamalaki, at kasabay nito, napansin niya ang pagbago sa ekspresyon ng mukha ni Moriri.
'Buwisit!'
Nang marinig iyon, nanginig si Moriri, at mukha siyang naguguluhan.
'Buwisit talaga tong hayop na to. Nakita nya yung mga markang iniwan ko!'
"Heh!" Habang nakikita ang pagbago ng mukha ni Moriri, mas lalong nasigurado ni Bosco ang kaniyang akala at napahagikgik. "Ano? Tama ba ko. Moriri, alam mo naman kung ano yung nararamdaman ko para sayo. Baki