"Bakit may palatandaan ng snowflake dito? Tsaka... parang kakaukit lang nito."
Kaagad noon, nagmadaling lumapit si Bosco at ang iba pang mga disipulo.
Talaga ngang may nakita silang inukit na snowflake sa puno. Malinis ang pagkakaukit dito, at malinaw na inukit ito gamit ang isang matalas na kagamitan.
Nagsimulang mag-usap saglit ang ilang mga disipulo.
"Di naman gaanong nadadaanan yung lugar na to. Bakit magkakaroon ng mga palatandaan dito?"
"Di kaya may tao kanina dito?"
Habang nagdududa