Ang kanyang mga luha ay hindi mapigilang tumulo. Galit na nakatingin si Rebecca kay Florian. “Hayop ka! Paano mo nagawa sakin ‘yon! Paano mo nagawa ‘to kay Jackson! Kapatid mo siya!”
Hindi makapaniwala si Rebecca na ang tinuturing niyang kapatid at nirerespeto niya ay isang halimaw!
Tinawanan siya ni Florian, “Tinuturing siguro akong kapatid ni Jackson pero hindi kami pareho nang nararamdaman. Ampon lang naman siya ni Papa. Walang dugong Darby ang dumadaloy sa kanya.”
Patuloy na sinabi ni Fl