Habang naririnig ang mga salitang ito sa ere, agad na tumalon at lumipad si Zacho hanggang sa makarating ito sa harapan ng kuweba.
Agad naman siyang sinundan ni Sam.
Huh?
Parehong napatigil ang dalawang mga lalaki nang makarating sila sa bakanteng bahagi ng kuweba. Naramdaman nila na mayroon itong laman at kasalukuyan itong nasa gitna ng pagpapalakas.
Paano nagawang magpalakas ng isang tao sa ganito kalayong lugar?
Pagkatapos ng isang segundo, nagpalitan ng tingin ang dalawang lalaki bago sila dahan dahang maglakad papasok sa kuweba.
Siya?
Nakakailang hakbang pa lang sila nang mapatigil sina Zacho at Sam sa kanilang nakita.
Nakita nila ang isang nakaupong imahe sa isang malaking bato sa loob. Magulong bumagsak ang buhok nito sa kaniyang mga balikat at kapansin pansin din ang magulo nitong damit habang naglalabas siya ng napakalakas na aura.
Ito ay walang iba kundi si Adam.
Pagkatapos ng ilang segundo ng katahimikan, si Sam ang unang nahimasmasan sa dalawa. Dito na niya mahina