Kahit na isang malakas na cultivator ni Ambrose, naging mahirap pa rin ang pagsalag niya sa pagatake ni Forsythe ngayong nanghihina na ang kaniyang katawan.
Napaatras ng ilang hakbang si Ambrose nang lumapag ang kaniyang katawan sa lupa bago niya maitayo nang maayos ang kaniyang sarili. Dito na nabalot ng gigil ang kaniyang itsura.
“Ito lang ba ang kaya mo?” Sigaw ng nagyayabang na si Forsythe habang tumatakbo ito nang mabilis papunta kay Ambrose. At pagkatapos ay agad nitong ginamit muli ang mahaba niyang espada para atakihin ang nanghihinang si Ambrose.
“Kulang pa ang lakas mo para patayin ako…” Nagngitngit ang mga ngipin ni Ambrose habang sumisigaw ito sa papalapit na si Forsythe. Malakas niyang ginamit ang kaniyang Tyrant Hammer kay Forsythe hanggang sa makaramdam siya ng sakit sa kaniyang katawan.
Tumama ang Tyrant Hammer at ang mahabang espada sa isa’t isa na gumawa ng isang napakalakas na tunog. Napatalsik dito ng ilang hakbang si Forsythe. Nanginig ang kaniyang katawan at m