Parang naging kidlat ang bilis ng gintong liwanag na nagbigay sa kahit na sino ng impresyon na kaya nitong paghiwalayin ang langit at lupa.
Maging ang nasa kontrol na si Forsythe ay hindi naiwasang mapamura at mapanganga sa lakas ng Tyrant Hammer. ‘Oh well, karapat dapat lang talaga siya na maging Sect Master ng Elysium Gate. Nagawang payanigin ng technique na ito ang langit at lupa kaya sigurado ako na hindi ko ito magagawang salagin.’
Tumawa siya nang malakas para mapakalma ang kaniyang sarili nang harapin niya ang kagulat gulat na sitwasyong iyon. “Ano ang ginagawa mo, Sect Master Ambrose? Nasa kontrol na natin ang lahat kaya huwag ka nang magkunwari. Susunugin mo na ba ang tulay ngayong nakatawid ka na rito?”
Para mapalalim ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ni Ambrose at ng iba pang mga sekta, niya nakalimutang magtalim ng kaguluhan sa mga ito gamit ang tuso niyang personalidad.
“Manahimik ka!” Namula naman dito ang mga mata ni Ambrose habang nanenermon nitong sinasabi na,