”Hindi…”
Sobrang natakot ang tagasilbi sa mapupulang mat ani Ambrose, umiling ito sa takot. “Hindi. Normal na tubig lang iyan.”
Gusto pang magdagdag ng katanungan ni Ambrose, pero pinigilan siya ni Veron.
Malakas na sumigaw si Veron, hindi niya maitago ang pagkamuhi sa kaniyang pagtitig. “Ambrose Darby! Tapos na ang mga pangyayari at lumabas na ang resulta. Hindi mo na ito maitatanggi pa. Sinabi mong hindi malinaw ang blood match? Kung ganoon, tingnan mo ito.”
Inilabas ni Veron ang mga papel galing ospital at itinapon ito kay Ambrose, sinabi niya ang kaniyang mga huling salita.
Genetic testing?
Napakunot ang noo ni Ambrose, sinalo niya ang mga papel gamit ang isang pagkilos at tiningnan itong mabuti.
Sa parehong sandali, lumapit ang lahat kabilang sina Chester at Dax. Malinaw nilang nakita ang resulta.
‘Genetic Match, 99%’
“Magsisinungaling ba ang mga resulta kung sinabi mong mayroong mal isa blood match?”
Ano?
Tila may biglang pumasok sa isip ni Ambrose nang sigawan niya si