Nang sandaling iyon, mabilis na lumapit si Veron habang nakatitig siyang maigi sa mangkok.
Lumapit din ang lahat. Mabuti nalang at kahit papano’y mayroong paraan para mapatunayan ang pagiging inosente ni Ambrose kahit katawa-tawa ang sitwasyon.
Hindi na guguluhin pa ni Veron si Ambrose kapag nakita na ang resulta at wala nang poproblemahin pa ang lahat.
Diresto lang ang ekspresyon ng mukha ni Ambrose, hindi manlang niya sinulyapan ang mangkok habang malamig siyang nakatitig kay Veron.
“Mas mabuti kung papangatawanan mo ang iyong pinangako, Miss Lange. Huwag kang aatras sa iyong salita.”
Tulad ni Heather, malaki ang kaniyang tiwala sa resulta ng blood match.
Hindi sumagot si Veron, tila patay siyang tumitig sa dalawang patak ng dugo na nasa mangkok.
“Tingnan mo… Naghahalo sila…”
Biglang may sumigaw sa masa na nasa punong hall at mabilis na nagkagulo.
“Talagang naghahalo iyon.”
“Paano… Paano iyon nangyari?”
“Mga mahal kong diyos…”
Makikita ang paghalo ng dalawang patak ng dug