“Isa nga talaga siyang Hexa Swordmaiden. Hindi ako makapaniwala na magagawa niyang mapabagsak ang ganito karaming tao habang napapaligiran ng mga ito. Masyado itong nakakatakot. Pero nakasisiguro rin ako na kinuha ng sword chant na ito ang malaking bahagi ng kaniyang enerhiya.”
Habang nagugulat ang lahat, mapapansing namumutla ang mukha ni Lumi habang nanginginig ang maganda nitong katawan. Kaya mahahalata na masyadong marami ang enerhiyang ginamit ng katakot takot na sword chant na kaniyang ginamit kaya kakaunti na lang ang natitirang enerhiya sa kaniya ngayon.
Nang malaman niya ito, hindi na naiwasan pang sumigaw ni Martin ng, “Dalian ninyo! Paubos na ang kaniyang internal energy. Umatake tayo nang sabay sabay para pabagsakin ito. Ang sinumang mauuna na makahuli sa kaniya ay magkakaroon ng karapatang gawin ang lahat ng gusto niya rito.”
Dito na sumugod ang wala sa sariling mga disipulo sa paligid.
Tama nga ang kanilang hinala. Masyado nang marami ang nawalang internal energy sa k