Agad na umusbong ang galit sa bawat miyembro ng angkan habang sumisigaw at dinudumog ng mga ito si Yarl.
At nang makita niya ang sitwasyon, agad na lumuhod at nagmakaawa sa harapan ni Morticia ang mangiyak ngiyak nang si Yarl.
“Kamahalan, iligtas niyo po ako! Pakiusap, iligtas niyo po ako. Ginawa ko na po ang gusto ninyo kaya pakiuap iligtas niyo po ako.”
Nagkawatak watak na ang aura sa kaniyang katawan matapos siyang sampalin ni Morticia. Nawalan na siya ng kakayahang lumaban kaya hindi na niya magagawang pantayan ang kahit na sino noong mga sandaling iyon. Kaya ang tanging natitira na lang dito ay ang kaniyang bangkay sa sandaling atakihin siya ng mga miyembro ng pamilya Blanc.
Hindi naman nagbago ang itsura ni Morticia kahit na nagmukhang kaawa aw ana si Yarl. Agad niyang itinaas ang kaniyang kamay para senyasan ang mga miyembro ng pamilya Blanc na tumigil habang inaanunsyo niya na, “Kayong lahat! Masyado nang walang katulad ang kasamaang ginawa ng kriminal na ito. Kaya hindi ma